
Inalala ng actress na si Sherilyn Reyes-Tan ang buhay ng yumaong komedyante na si Bentong.
Sa kanyang post sa Instagram, nagpasalamat si Sherilyn dahil si Bentong daw ang naging daan para sa kanya na makapasok sa mundo ng showbiz.
“Kuya Boyet, nalungkot ako bigla. Di ko alam, nagpaalam ka na. Di ko makakalimutan tuwing nagkikita tayo, tawag mo sa'kin, Sherilyn Brotamante,” panimula ni Sherilyn.
“Salamat kuya! 'Di ako magiging artista kung 'di mo ko nakita at itinuro kina Mr. M at Tita Mariolle.
“Rest in peace Kuya Boyet!”
Namatay si Bentong ngayong araw, February 9, dahil sa cardiac arrest sa Fairview General Hospital.