
Maraming fans ang hindi na makapaghintay sa pagbabalik ng GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw lalo na't nagpatikim na ang main cast nito na si Sheryl Cruz sa kanyang social media account.
Sa Instagram, ipinakita ni Sheryl ang ilang behind-the-scenes photos ng isang intimate scene nila ni Jeric Gonzales sa soap. Parehong nag-negatibo sa RT-PCR test sina Sheryl at Jeric bago sila magbalik-taping.
Sa comments, halos hindi mapigilan ng ilang fans na kiligin nang makita ang dalawang aktor na magkasama ulit sa iisang eksena.
Bitiw ng isang netizen, “OMG Kinikilig ako! Baby and Babe reunited na talaga.”
Ani naman ng isa, “Veron and her jowa woah! Grabe ang tamis!”
Source: officialsherylcruz (IG)
Sa isang interview sa GMANetwork.com, ibinahagi ni Sheryl kung paano niya pinaghahandaan ang ilang intimate scenes sa Magkaagaw, lalo na't tungkol sa isang May-December love affair ang soap.
Aniya, ““Abangan! Abangan natin 'yang lahat.
“But you know, in all respect with the creativity and the creative writing of our writers in GMA-7, they stayed true naman to the plot of Magkaagaw and sa totoo lang mas naging daring.
“Pumupunta siya sa mas pa-daring na scenes kaya 'yun dapat ang abangan nila.”
Panoorin ang kanyang interview:
Mapapanood ang latest aired episodes ng Magkaagaw sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.