
Isang kakaibang love story ang hatid nina Sheryl Cruz at Kokoy De Santos sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Kahit Maputi na ang Buhok Mo," isa itong age gap love story.
Si Sheryl ay ang biyudang si Rose, habang si Kokoy naman ay ang karaoke salesman na si Jeff.
Magkakakilala sila dahil mahihilig si Rose sa panonood ng pagkanta ni Jeff habang nagbebenta ng kanyang karaoke machines.
Kahit na malaki ang agwat ng edad, magkakamabutihang-loob ang dalawa.
Pero tutol ang kanilang mga pamilya sa kanilang relasyon.
Makukuha kaya nila ang pagtanggap ng mga ito?
Bukod kina Sheryl at Kokoy, bahagi rin ng episode sina Rita Avila, Marnie Lapus, Kim de Leon, Princess Aliyah, at Jane Mounter.
Abangan ang brand-new episode na "Kahit Maputi na ang Buhok Mo," April 25, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.