GMA Logo Wish Ko Lang
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Sheryl Cruz, bakit namamatay lahat ang lalaking minamahal sa 'Wish Ko Lang?'

By Aimee Anoc
Published June 2, 2022 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Gaganap si Sheryl Cruz bilang inang dalawang beses namatayan ng asawa sa "A Mother's Love" episode ng 'Wish Ko Lang.'

Isang natatanging pagganap ang mapapanood mula kay seasoned star Sheryl Cruz sa pinakabagong episode ng Wish Ko Lang.

Bibigyang buhay ni Sheryl ang kuwento ng inang si Tess na dalawang beses namatayan ng asawa sa episode na pinamagatang "A Mother's Love."

Sheryl Cruz

Pero sa kabila ng masasakit na nangyari sa kaniyang buhay pag-ibig, patuloy na nagsusumikap si Tess para mapagtapos ng pag-aaral ang dalawang anak.

Makakasama ni Sheryl sa episode na ito sina James Blanco, Boom Labrusca, Denise Barbacena, Gianna Llanes, Ella Cristofani, at Kim De Leon.

Huwag palampasin ang madamdaming mga tagpo ngayong Sabado sa "A Mother's Love" episode ng Wish Ko Lang, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Sheryl Cruz sa gallery na ito: