
Sa pagbabalik ni Sheryl Cruz bilang si Coach Vanna Grande sa Born to Shine, ibinahagi ng aktres kung gaano siya kasaya at excited na maging parte muli ng GMA Afternoon Prime musical drama series.
Sa Instagram, sinabi ni Sheryl ang isa sa mga rason kung bakit gustong-gusto niyang ginagampanan ang role ni Coach Vanna.
“One of my favorite things about playing Coach Vanna is reminding Jeni—and hopefully all of you—that setbacks don't define your future. Your passion, perseverance, and faith in yourself do,” sabi ni Sheryl.
Si Jeni ang role na ginagampanan ni Zephanie, na dating miyembro ng P-Pop girl group na YUMI, bago siya tinanggal ni Monica (Roselle Nava) at ng Astra M.
Sa hiwalay na post, sinabi rin ni Sheryl na isang bagong chapter ang magsisimula para kay Jeni, at nagbigay ng munting paalala para sa lahat ng aspiring artists, “Every artist deserves someone who believes in their talent, especially when they're given a second chance.”
“Jeni's journey is just getting started, and I'm so excited for all of you to see what lies ahead. There are many surprises, heartfelt moments, and unforgettable performances waiting for you,” sabi ni Sheryl.
Sa comments section, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang excitement at suporta sa pagbabalik ni Vanna sa serye.
Maging si Manilyn Reynes, na gumaganap bilang si Minchie na ina ni Jeni, pinasalamatan din si Coach Vanna para sa bagong pagkakataong ibinigay nito sa anak, “Salamat, Coach Vanna.”
“Walang anuman Minchie Reyes Sicat ng Rosabellas,” sagot ni Sheryl.
BALIKAN ANG COACHES NG P-POP BOOTCAMP, KABILANG NA SI COACH VANNA, NA TUMULONG PARA MABUO ANG YUMI SA GALLERY NA ITO:
Sabi ng isang netizen, “Vanna has been one of the best written characters in a loooong time pls no plot twists to ruin this LOL.”
“Grabe pagbalik ng isang VANNA GRANDE dumami ulit ang Viewers. iba talaga ang nag iisang Ms. Sheryl Cruz,” sabi ng isa pang netizen.
Isang netizen din ang pumansin sa pinost ni Sheryl na graphics at sinabing mali ang caption nitong “Excited na ang lahat sa solo era ni Jeni.” Sa halip, “Dapat 'Excited ang lahat sa comeback ni Vanna Grande.'”
Matatandaan na unang napanood si Sheryl bilang si Coach Vanna nang i-coach niya ang P-Pop hopefuls sa bootcamp na isinagawa ng Astra M para hanapin ang mga bubuo ng grupong YUMI.
Subaybayan ang kuwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.