GMA Logo Sheryl Cruz
Source: officialsherylcruz/IG
What's Hot

Sheryl Cruz grateful sa talent na nakuha niya mula sa mga magulang

By Kristian Eric Javier
Published August 20, 2024 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

Sheryl Cruz


Ayon kay Sheryl Cruz, talento at hindi pagiging showbiz royalty ang nagsustento ng kaniyang career sa entertainment industry.

Kilala ang Lilet Matias: Attorney-at-Law star na si Sheryl Cruz bilang isa sa mga showbiz royalties ng entertainment industry. Ibig-sabihin, galing siya sa pamilya ng mga aktor at aktres. Ngunit ayon sa aktres at singer, “lubos na nagpapasalamat” siya sa talentong nakuha niya mula sa kaniyang mga magulang.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, inamin ni Sheryl Cruz na maaaring pinrepare na rin siya ng kaniyang pamilya sa pagpasok sa showbiz. Kuwento niya, lumaki siya sa pag-aakala na ang mundo ay puro showbiz lang dahil iyon lang ang nakikita niya.

“Until that time nga na I came into realization, dahil na rin sa education, sa school, na may iba't ibang different professions, hindi lang showbiz. I came to understand more na hindi lang pala ito ang mundo. Malaki pala ang mundo at marami palang iba't ibang industries,” sabi ng "Mr. Dreamboy" singer.

Tungkol naman sa pagpasok niya sa showbiz, sinabi ni Sheryl na suwerte siya na mayroon siyang magandang pedigree at “okay looks.” Ngunit ang pinagpapasalamat niya umano ay ang talent na nakuha niya mula sa kaniyang mga magulang na sina Ricky Belmonte and Rosemarie Sonora, dalawa sa pinakamalaking artista ng Sampaguita Pictures noong '60s.

“Lubos na nagpapasalamat ako na kahit papaano, meron akong talentong nakuha, maski papaano at a very early age. Kasi without the talent or that God-given talent na binigay sa akin nu'ng nandu'n sa itaas through my parents, through my pedigree, hindi ko 'yun mairaraos, hindi ko 'yun maipapasa,” sabi ni Sheryl.

RELATED CONTENT: KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MAGKAKAMAG-ANAK PALA SA GALLERY NA ITO:

Kuwento pa ni Sheryl Cruz, dahil mismo sa talentong iyon na naipakita niya sa isang live audition kay Alvaro “Cheng” Muhlach noong four years old siya, ay nakapasok siya sa showbiz.

Aniya, pagkatapos ng mga pelikula at projects na ginawa niya para sa D'Wonder films, ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang career hanggang sa makuha siya ni German Moreno o Kuya Germs sa That's Entertainment.

Ayon sa aktres ay nagsimula siya sa That's Entertainment noong 12 years old siya. At nang maka-graduate, lumipat naman siya sa isa pang variety show, ang GMA Supershow.

Pakinggan ang interview ni Sheryl dito: