What's Hot

Sheryl Cruz, napuna dahil sa sexy lingerie photo sa Instagram

By Aedrianne Acar
Published November 4, 2019 11:27 AM PHT
Updated November 4, 2019 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Magkaagaw actress Sheryl Cruz sexy IG photo


Sinagot ni Sheryl Cruz ang negatibong komento ng isang Instagram user sa kanyang sexy photo Instagram photo.

Mas confident ngayon ang aktres na si Sheryl Cruz lalo na at napananatili nito ang magandang hubog ng kanyang pangagatawan kahit mommy na.

Umani din ng papuri ngayon si Sheryl sa pagganap niya sa afternoon soap na Magkaagaw bilang “cougar” na si Veron na aakitin si Jio (Jeric Gonzales) na asawa naman ni Clarisse (Klea Pineda).

EXCLUSIVE: Sheryl Cruz on playing cougar role in 'Magkaagaw': "It's something different"

Nakakabilib na hindi nahirapan ang aktres na makipagsabayan sa binatang aktor kahit halos 20 years ang agwat ng kanilang edad.

Bagamat maraming natutuwa sa mas sexy image ni Sheryl, may ilan din salungat na opinyon tungkol dito.

Tulad halimbawa ng komento ng Instagram user na si @imcris48 sa sexy photo ni Sherlyn na ibinahagi niya sa kanyang followers noong October 23.

#aomnl #magkaagaw @ao.mnl @imaldrintanglao @borjmeneses

A post shared by Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) on


Sabi ng netizen sa lingerie photo ni Sheryl, ”Kung kalian tumanda…”

Agad namang nag-reply si Sheryl Cruz at tinanong ang netizen, “Yes? May problem po ba?” at may kasama pang laughing emoji.

Sunud-sunod din ang post ng fans na ipinagtanggol si Sheryl sa negatibong post ng netizen tungkol sa kanyang hot Instagram photo.