
Ibang saya ang naging epekto kay Sheryn Regis ng paglalantad niya tungkol sa kanyang sexual orientation.
Matatandaan na noong 2021 buong pagmamalaking ipinakilala ni Sheryn ang kanyang girlfriend na si Mel de Guia.
Dahil daw rito, ayon kay Sheryn, “Mas naging masaya ako. Kasi, hindi ko naman kailangang magmukhang lalaki, ito yung preference ko, pero mas happy ako. Naging mas masaya at naging humble ako.”
Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media si Sheryn sa press conference ng upcoming 20th anniversary concert niyang All Out na gaganapin sa Music Museum sa July 8.
Ang main producer nito ay ang kanyang girlfriend na si Mel, na proud din niyang ipinakilala sa press.
“I'm very open, I'm flaunting kasi alam ko na nandiyan ang support ng pamilya ko,” sabi ni Sheryn, bago tawagin ang kanyang partner para samahan siya sa presidential table.
Naging pagkakataon na rin ito para hingin ang reaksiyon ni Mel sa pagiging proud sa kanya ng tinaguriang “Crystal Voice of Asia.”
“Of course, flattered ako and, at the same time, overwhelmed. Siyempre, hindi naman namin ito plinano o pinag-usapan.
“Tinanggap ko si Sheryn bilang ordinaryong tao, si Sheryn lang. Hindi yung sasabihin mong 'ah noong 20 years ago,' noong kasikatan niya. Siguro kung yun siya, parang hindi ko rin nakikita ang sarili ko sa ganung sitwasyon.
“Pero this time, nakita ko kasi yung hindi nakikita ng iba. Hindi siya nagpakita sa akin ng taas, pantay kami. Kaya iba yung feeling noong nakilala ko siya.”
Pagdating naman sa pagpo-produce ng concert para singer, ayon kay Mel, ito ay isang paraan para maipakita ang suporta niya sa kanyang kasintahan.
“Ako, tinanggap ko 'to trabahong ito [bilang producer] kasi, at the same time, mahal ko siya. Iba kasi kapag mahal mo yung ginagawa mo 'tapos mahal mo pa yung tao. Iba yung love, iba yung effort.
“Hindi ko masasabing perfect na relationship kami. Of course, we struggle a lot, may mga problemang dumarating sa amin. Pero sabi nga, wala namang ibibigay sa atin si Lord na hindi natin kaya, unless tayo ang maggi-give up.
“Pero sa guidance din niya, nagawa ko dahil pinagkatiwalaan niya ako. Hindi ko ito kayang gawin kung wala yung trust, yun ang importante. Siyempre, if there's a love, dapat nandun din ang trust.”
Sa kanyang anniversary concert, pinapanagako ni Sheryn na isisiwalat na niya ang lahat at wala na siyang itatago.
Aniya, “All Out, kasi we're not just talking about showing off my gender identity, my gender preference. All Out kasi marami akong sasabihin sa concert na 'yan na hindi pa alam ng iba. Untold stories of my journey.”
Makakasama ni Sheryn sa show na ito sina Ima Castro, Dianne dela Fuente, MMJ Magno, ang grupong MissTres, at si JMRTN ng REtroSPECT.
Pagkatapos nito, magkakaroon din ng show si Sheryn, sa US at in Canada, na iko-co-produced ng Jaro Productions. Sa ilang shows na ito, makakasama naman niya sina Divo Bayer, Ima Castro, Dessa, Carol Banawa, Tootsie Guevara, Tim Pavino and JMRTN of REtroSPECT.
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG PROUD LGTB COUPLES: