GMA Logo sheryn regis with daughter sweety
Image Source: sherynregis (IG)
What's on TV

Sheryn Regis, may takot para sa anak na bisexual

By Jansen Ramos
Published September 19, 2024 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

sheryn regis with daughter sweety


Sheryn Regis sa anak na si Sweety Echiverri na lumantad na bisexual, 'Baka madaanan din n'ya 'yung pinagdaanan ko. Ayoko siyang masaktan, ayoko siyang mapagod sa buhay.'

Lumantad bilang bisexual ang nag-iisang anak ni Sheryn Regis na si Sweety Echiverri sa isang morning talk show noong 2023.

Related content: Sheryn Regis' daughter Sweety Echiverri is a proud bisexual


Ayon kay Sheryn, natakot siya nang umamin ang kanyang anak tungkol sa sexual preference nito dahil, bilang gaya niyang miyembro ng LGBTQIA+ community, hindi naging madali ang kanyang pag-come out.

"Baka madaanan din n'ya 'yung pinagdaanan ko. Ayoko siyang masaktan, ayoko siyang mapagod sa buhay," bahagi ng mang-aawit sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda sa September 18, 2024-episode ng show.

Bagamat may pangamba para sa anak, tanggap ni Sheryn ang desisyon ni Sweety na teenager pa lang nang ibulgar sa kanya at sa ama nitong si Earl Echiverri na bisexual siya.

Patuloy niya, "But knowing her life now, I'm so happy for her kasi napili n'ya kung anong gusto n'ya talaga na, you know, I'm not saying for gender or whatever ha? She has her own thing, she has her life now."

Proud naman si Sheryn kay Sweety dahil nakasanayan nito ang ugaling Pinoy kahit sa Amerika lumaki.

Sabi niya, "I'm very proud of her kasi sa lahat ng mga payo ko rin sa kanya bilang nanay, kaya sabi ko nga sa 'yo, 10 ako bilang nanay, kasi the values of everything like being a Filipino pa rin. 'Di ko pinapaano sa kanya na Amerikana or what kasi Pinoy na Pinoy ka."

Noong 2021, umamin si Sheryn bilang lesbian. Kasalukuyan niyang karelasyon ang YouTuber na si Mel de Guia.