
Mapapanood na sa GMA ang isa sa romantic-comedy period drama ni award-winning actress Shin Hye-sun na Mr. Queen.
Makakasama rin ni Shin Hye-sun sa dramang ito sina Kim Jung-hyun, Choi Jin-hyuk, Na In-woo at Seol In-ah.
Ano ang gagawin mo kung isang araw magising ka na lang sa katawan ng iba, na ang kasarian at panahon ay malaki ang pagkakaiba sa buhay na nakagawian mo?
Ito ang nangyari kay Byron (Choi Jin-hyuk) na isang sikat na chef sa Blue House. Mahilig sa babae at sarili lamang ang iniisip. Isang araw natagpuan na lamang niya ang sarili sa katawan ni Kim So-yong, susunod na reyna sa panahon ng Joseon.
Marami ang nagtaka sa biglaang pagbabago ng ugali ng susunod na reyna dahil kilala ito sa pagiging mahinhin, istrikto at maiinitin ang ulo. Pero simula nang mapunta sa katawan nito si Byron, naging palakaibigan at masiyahin na ito.
Ang pagbabago ring ito ang naging dahilan para tuluyang mahulog ang loob sa kanya ng haring si Cheoljong (Kim Jung-hyun).
Simula nang maikasal, unti-unting nadiskubre ni So-yong ang tunay na pagkatao ng hari. Ang madilim nitong nakaraan at ang nais na paghihiganti sa angkan ng Kim.
Sa kanyang bagong buhay, paano kaya pagsasabayin ni Byron ang tungkulin niya bilang isang reyna at ang paghahanap ng paraan para muling makababalik sa hinaharap?
Abangan ang kakaibang kuwento ng pag-ibig nina Queen So-yong at King Cheoljong sa Mr. Queen sa GMA.