
Patuloy na tumitindi ang mga tagpo sa Philippine adaptation ng hit K-drama series na Shining Inheritance, na pinagbibidahan nina Kyline Alcantara at Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Ms. Coney Reyes.
Ngayong Martes (January 7) sa Shining Inheritance, ipinakita sa teaser na nadakip si Joanna (Kyline Alcantara) ng isang sindikato at gagamitin siya sa human trafficking.
Samantala, nagtungo naman si Lani (Gyldel Mercado) sa Shining Casserole at tinanong ang isang staff kung mayroon ba itong napansin na lalaki sa restaurant at hinahanap si Inna Villarazon (Kate Valdez).
Magtagumpay kayang magtagpo sina Inna at ang ama niyang si Tony (Ariel Rivera)?
Makakatakas pa kaya si Joanna o tuluyan na siyang mapapahamak?
Abangan lamang 'yan sa Shining Inheritance mamayang 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO.