
Patuloy na tumitindi ang mga eksena sa pinakamaningning na drama sa hapon na Shining Inheritance.
Sa 29th episode ng naturang afternoon drama series, na ipinalabas nitong Huwebes (October 17), matatandaan na mayroong pina-plano si Joanna (Kyline Alcantara) para kay Inna sa grand opening ng Nono's Favorites.
Matapos umalis sa isang bar, nagtungo si Joanna papunta sa restaurant gamit ang isang kotse at bigla siyang nakatulog habang nagmamaneho. Pagkagising ni Joanna ay tumama siya sa harapang bahagi ng restaurant, na ikinagulat ng marami.
Umani naman ng mahigit three million views sa official GMA Network page ang eksena ng “pasabog” na grand entrance ni Joanna.
Panoorin ang buong episode sa video sa ibaba.
Subaybayan ang Shining Inheritance sa bago nitong oras na 3:20 p.m. simula October 21 sa GMA Afternoon Prime.