GMA Logo Joanna De La Costa, Kyline Alcantara
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Shining Inheritance: Pasabog na grand entrance ni Joanna sa opening ng Nono's Favorites, umani ng mahigit 3M views

By Dianne Mariano
Published October 18, 2024 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Joanna De La Costa, Kyline Alcantara


Marami ang tumutok sa pasabog na grand entrance ni Joanna (Kyline Alcantara) sa opening ng Nono's Favorites.

Patuloy na tumitindi ang mga eksena sa pinakamaningning na drama sa hapon na Shining Inheritance.

Sa 29th episode ng naturang afternoon drama series, na ipinalabas nitong Huwebes (October 17), matatandaan na mayroong pina-plano si Joanna (Kyline Alcantara) para kay Inna sa grand opening ng Nono's Favorites.

Matapos umalis sa isang bar, nagtungo si Joanna papunta sa restaurant gamit ang isang kotse at bigla siyang nakatulog habang nagmamaneho. Pagkagising ni Joanna ay tumama siya sa harapang bahagi ng restaurant, na ikinagulat ng marami.

Umani naman ng mahigit three million views sa official GMA Network page ang eksena ng “pasabog” na grand entrance ni Joanna.

Panoorin ang buong episode sa video sa ibaba.

Subaybayan ang Shining Inheritance sa bago nitong oras na 3:20 p.m. simula October 21 sa GMA Afternoon Prime.