
Marami ang na-excite sa inilabas na teaser ng GMA Network kamakailan para sa upcoming Philippine adaptation ng well-loved Korean drama series na Shining Inheritance.
Related content: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference
Ang Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.
Base sa inilabas na teaser ng GMA Network sa telebisyon at social media, ipinakita rito ang ilang eksena ng kaabang-abang na serye.
Mula nang ipalabas ito, maraming netizen ang nagbahagi ng kanilang excitement para sa Philippine adaptation ng Shining Inheritance. Excited na rin ang netizens na mapanood ang cast na bumubuo sa serye.
PHOTO COURTESY: GMA Network (Facebook)
Kabilang sa stellar cast ng Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Abangan ang Shining Inheritance soon sa GMA.