What's on TV

'Shining Inheritance' star Kate Valdez at Michael Sager, may ibinahagi tungkol sa love life

By Dianne Mariano
Published August 21, 2024 1:56 PM PHT
Updated August 29, 2024 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Napolcom slams injury of 7 cops in Labor Day protests
Authorities probe death of 13 dogs in San Miguel, Iloilo
BINI and Thalia interact at Billboard Women in Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez and michael sager


Kumusta kaya ang love life nina Sparkle stars Kate Valdez at Michael Sager? Alamin dito:

Malapit nang mapanood ang upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance sa GMA.

Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Kate Valdez at Kyline Alcantara, Paul Salas, Michael Sager, Roxie Smith, at Ms. Coney Reyes.

Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, halu-halong emosyon ang nararamdaman nina Kate at Michael sa nalalapit na pag-ere ng kanilang serye.

“Kinakabahan pero more of excitement, grateful, and blessed po,” ani Kate.

Pagbabahagi naman ni Michael, “I've really been praying na we have a right time, God's time to air.”

Ayon pa kay Kate, sobrang minahal niya ang karakter niyang si Inna Villarazon, lalo't may parte ng istorya na labis na kinaawaan niya ang kanyang role.

Aniya, “Doon po sa part na naghirap si Inna, 'yung nawala sa kanya 'yung lahat and she doesn't know how to survive. Both of her parents nawala na so she has to take the responsibility of [taking care of] her brother, [who] has special needs.”

Ibinahagi naman ni Michael na sobrang na-challenge siya sa mabibigat na dramatic scenes ng serye.

“'Yung recent scenes po namin na kailangan iyakan, 'yun po 'yung weakness ko sa acting, but with the help of the director, with my co-actors, luckily, nagawa po namin nang maganda and I'm just proud of that,” kwento niya.

Related gallery: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference

Labis din ang pasasalamat nina Kate at Michael na kasama nila sa Shining Inheritance ang veteran actress na si Coney Reyes.

Kwento pa ni Kate, mas naging komportable at malapit sila ng kanyang co-star na si Kyline Alcantara kahit na marami silang matitinding eksena sa serye.

“Actually, dahil sa mga gano'ng scene namin, mas naging comfortable kami sa isa't isa, mas naging close kami. Maski rin siya parang, 'Sige, sampalin mo 'ko.' May mga gano'ng esksena, siyempre, gaganti si Inna, 'di ba? So pati siya, 'sige nga, gawin mo na para makaganti ka naman,'” saad ni Kate.

Bukod dito, nag-share rin sina Kate at Michael tungkol sa kani-kanilang love life.

“Happiness ko po, self love.. pero masaya po ako,” sabi ng Kapuso star.

Ani naman ni Michael, “My heart is happy.”

Kabilang din sa cast ng Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.

Abangan ang Shining Inheritance sa GMA.