
Naghatid ng saya ang young cast ng upcoming Philippine adaptation ng Korean drama series na Shining Inheritance sa mga Kapuso sa Bangued Town Plaza, Bangued, Abra bilang pagdiriwang ng Dapil Festival 2024.
Related gallery: Cast ng PH adaptation ng 'Shining Inheritance,' nagkita-kita na sa story conference
Sa recent Instagram posts ng GMA Regional TV, makikita ang ilang videos ng performances nina Sparkle stars Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Roxie Smith sa naganap na event.
Nakasama rin ng cast ng Shining Inheritance sa event ang Kapuso star at TikToClock host na si Jayson Gainza. Katunayan, ipinakita ng actor-comedian ang kanyang cool dance moves sa stage.
Bago nagsimula ang masayang selebrasyon, naglibot muna sina Kyline, Michael, Paul, Roxie, at Jayson sa Calle Crisologo sa Vigan City, Ilocos Sur.
Ang PH adaptation ng Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.
Kabilang din sa stellar cast ng serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charuth.