GMA Logo Shintaro Valdes
What's Hot

Shintaro Valdes, nagbalik sa telebisyon para sa kaarawan ni Kuya Kim Atienza

By Maine Aquino
Published January 25, 2024 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Shintaro Valdes


Pagkatapos ng 25 taon, nagbalik sa telebisyon si Shintaro Valdes para sa birthday episode ni Kuya Kim Atienza.

Muling nakita sa telebisyon si Shintaro Valdes pagkatapos 25 years.

Napanood si Shintaro sa TiktoClock noong January 24 dahil kaarawan ng kaniyang kaibigan na si Kuya Kim Atienza.

Ikinuwento ni Kuya Kim sa episode na ito na siya ang nakiusap sa kaibigan na mag-guest sa kanilang programa. Ani Kuya Kim, "25 years na wala sa TV 'yan, bumalik na naman. Shintaro, maraming salamat."

Sagot ni Shintaro kay Kuya Kim, "Lakas mo sa akin."

Saad pa ni Kuya Kim, "I've known Shintaro for 25 years already, ang hirap pasampahin sa TV nito. Ngayon lang ulit pumunta sa TV ito after that time kasi sinabi ko Shintaro, 'pag hindi ka pumunta rito galit na tayo. Thank you, bro."

Nag-iwan naman ng birthday wish si Shintaro para sa espesyal na araw ni Kuya Kim, "May God continue to bless you and use you to be an inspiration to others."

Balikan ang pagbisita ni Shintaro sa TiktoClock: