GMA Logo Show Window The Queens House
What's Hot

Show Window: The Queen's House: Anger and revenge | Week 3

By EJ Chua
Published July 14, 2022 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Show Window The Queens House


Balikan dito kung ano ginawa ng mga babaeng patuloy na sinasaktan ng mga taong kanilang minamahal.

Noong nakaraang linggo sa Show Window: The Queen's House, nasagad na ang pasensya ni Sofia (Song Yoon-ah) sa patuloy na panlolokong ginagawa ng kaniyang asawa na si Marco (Lee Sung-jae).

Kamakailan lang, napanood ng mga Kapuso kung paano ipinaglaban ni Sofia ang kaniyang karapatan bilang isang legal wife.

Kasunod nito, pumunta si Mira (Jeon So-min) sa bahay nila Sofia upang bumisita at iparamdam na hindi pa siya tapos sa panggugulo sa kanilang buhay.

Matapos kasi siyang iwan ni Marco, tila hindi ito makakapayag na basta na lamang siyang itatapon ng lalaking kaniyang ipinaglalaban.

Dahil naging komplikado na ang relasyon nina Marco at Mira, nakaisip ng paraan si Mira upang makapaghiganti sa kaniyang dating kasintahan.

Isang gabi, labis na nagulat sina Sofia at Marco sa isang unwanted at unexpected guest na isinama ni Jason (Hwang Chang-sun) sa kanilang bahay.

Hindi makapaniwala ang mag-asawa na si Mira ay kasintahan na ni Jason, ang kapatid ni Sofia.

Mapapaniwala kaya ni Mira sina Marco at Sofia na totoong iniibig niya si Jason?

Hanggang kailan ililihim ni Mira kay Jason ang pagtataksil na kaniyang ginawa sa mismong kapatid nito?

Huwag palampasin ang mga nakakagigil at matitinding tagpo sa Show Window: The Queen's House, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10: 20 p.m. at tuwing Biyernes, 10: 35 p.m., dito lamang sa GMA-7.

SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING TELEVISION DRAMA SERIES NA START-UP PH NA MAPAPANOOD DIN SA GMA TELEBABAD SA GALLERY NA ITO: