GMA Logo Show Window The Queen House
What's Hot

Show Window: The Queen's House: Marco betrays his lover

By EJ Chua
Published August 2, 2022 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Show Window The Queen House


May kinalaman nga ba si Marco sa nangyari kay Mira?

Mamayang gabi sa Show Window: The Queen's House, mas magiging magulo ang mundo ni Sofia at ng kaniyang pamilya.

Habang patuloy kasi ang imbestigasyon tungkol sa sinapit ni Mira, isang taong malapit sa kaniya ang dapat na ring paghinalaan.

Matapos pagbintangan, labis na ikinagulat ni Sofia ang biglaang pag-amin ng kaniyang anak na si Tyrone na siya raw ang sumaksak kay Mira.

Kahit umamin na ang anak nina Sofia at Marco sa kaniyang nagawa, hindi pa rin nagtutugma ang ilang ebidensyang nakalap ng mga otoridad tungkol sa krimen.


May kinalaman nga ba si Marco sa nangyari sa kaniyang kasintahan?

Nagawa nga bang pagtaksilan ni Marco ang babaeng ginawa ang lahat para lamang makasama siya?

Ano kaya ang gagawin ni Sofia upang mapatunayan na walang kasalanan ang kaniyang anak sa nangyari?

Abangan ang mga nakakagigil at matitinding tagpo sa Show Window: The Queen's House, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10: 20 p.m. at tuwing Biyernes, 10: 35 p.m., dito lamang sa GMA-7.

SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING GMA DRAMA SERIES NA START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: