
Sa huling dalawang gabi ng Show Window: The Queen's House, kakaibang Mira (Jeon So-min) ang ating mapapanood.
Dahil sa pagsasanib-pwersa nila upang wakasan ang kasamaan ni Marco, isa sa kanila ang hahatulan ng kaparusahan.
Hindi inaasahan ni Sofia na magsasakripisyo si Mira at pipiliin nitong siya mismo ang mabilanggo.
Naniniwala kasi si Mira na bukod sa sinapit ni Marco, dapat ay magdusa rin siya sa kaniyang mga nagawa noon na kasamaan, panloloko, at pagtataksil sa asawa ng kaniyang dating kasintahan.
Tila hindi makapaniwala si Sofia sa ginawang pagsasakripisyo ni Mira para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
Sa kabila nito, siniguro naman ni Sofia na tutulungan at aalalayan niya ang kaniyang dating kaibigan na magsimula muli upang maging maayos na ang buhay nito.
Muli nga bang mabubuo ang kanilang nasirang pagkakaibigan?
Sina Sofia at Mira na nga ba ang magiging magkakampi sa lahat ng bagay?
Ano kaya ang buhay na itinadhana para sa dalawang babaeng naging biktima ng kasamaan ni Marco?
Huwag palampasin ang huling mga tagpo sa pagtatapos ng Show Window: The Queen's House, mamayang 10: 20 p.m. at bukas naman, 10: 35 p.m., dito lamang sa GMA-7.
Samantala, kilalanin ang star-studded cast ng upcoming television drama series na 'Start-Up Ph' na mapapanood din sa GMA Telebabad sa gallery na ito: