
Sa nakaraang episode ng Show Window: The Queen's House, ilang impormasyon ang naipon ni Sofia (Song Yoon-ah) mula sa kahina-hinalang mga ikinikilos ng kaniyang asawa na si Marco (Lee Sung-jae).
Nagsimulang maghinala si Sofia nang mismong kaarawan niya ay umalis agad ang kaniyang asawa matapos ang kanilang family dinner party.
Habang magkasama naman sina Sofia at Mira (Jeon So-min), labis siyang nagtaka nang makita niyang kamukhang-kamukha ng kwintas na bigay ng kaniyang asawa ang bracelet ng kaniyang kaibigan.
Matapos nito, dobleng pagbabantay na ang ginagawa ni Sofia sa bawat kilos ng kaniyang asawa.
Isang gabi habang nasa isang party, sinundan si Marco ng babaeng kaniyang kinakasama at mismong si Sofia ang nakahuli sa kanila habang naghahalikan.
Tuluyan na nga bang mawawalan ng tiwala si Sofia sa kaniyang asawa?
Huwag palampasin ang mga nakakagigil at matitinding tagpo sa Show Window: The Queen's House, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10: 20 p.m. at tuwing Biyernes, 10: 35 p.m., dito lamang sa GMA-7.
Samantala, kilalanin ang star-studded cast ng upcoming television drama series na Start-Up Ph na mapapanood din sa GMA Telebabad sa gallery na ito: