
Mamayang gabi sa Show Window: The Queen's House, mukhang may manggigigil dahil sa isang hindi inaasahang problema.
Habang patuloy kasing pinapaniwala ni Sofia kaniyang asawa sa napakaraming bagay, tinutuloy niya na rin ang planong paghihiganti rito at sa kasintahan nitong si Mira.
Kasalukuyang abala si Mira sa pagnenegosyo kaya naman hindi niya mamamalayan na mayroong masamang binabalak si Sofia upang pabagsakin siya.
Bagay nga bang peke rin ang mga produktong ibebenta ng isang pekeng babae?
Ano kaya ang mararamdaman ni Mira kapag siya naman ang inagawan?
Dahil sa labis na galit sa patuloy na pagtataksil ng kaniyang asawa at ni Mira, gagawa ng paraan si Sofia upang masira ang relasyon ng dalawa.
Mapaghihiwalay nga ba niya ang dalawa sa pamamagitan ng kaniyang mas matitinding mga plano?
Ano kaya ang magiging epekto nito sa relasyon nina Marco at Mira?
Abangan ang mga nakakagigil at matitinding tagpo sa Show Window: The Queen's House, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10: 20 p.m. at tuwing Biyernes, 10: 35 p.m., dito lamang sa GMA-7.
Samantala, kilalanin ang star-studded cast ng upcoming television drama series na 'Start-Up Ph' na mapapanood din sa GMA Telebabad sa gallery na ito: