
Mamayang gabi sa Show Window: The Queen's House, pagbibigyan nina Sofia at ng kaniyang ina ang kagustuhan ni Marco na mapasakaniya ang kanilang kumpanya.
Kasunod ng pag-iimbento ni Marco ng isang ebidensya na magtuturong si Sofia ang sumaksak kay Mira, kakagatin ng mag-ina ang kaniyang mga kahilingan.
Ngunit ang hindi alam ni Marco, ang lahat ng ito ay patibong lamang upang maisagawa ni Sofia ang kaniyang plano na sirain ang reputasyon ng kaniyang asawa sa harap ng mga taong naniniwala rito.
Habang ang manlolokong asawa na ito ay nagsasaya sa kaniyang mga nakukuha mula sa maling mga paraan, patuloy namang lumalaban ang asawang biktima ng kasamaan nito.
Ano kaya ang gagawin ni Sofia upang mapatunayan na wala siyang kasalanan sa nangyari kay Mira?
Handa na ba kayo sa sorpresang inihanda ni Sofia para sa kaniyang asawa?
Abangan ang mga kapana-panabik na tagpo sa Show Window: The Queen's House, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10: 20 p.m. at tuwing Biyernes, 10: 35 p.m., dito lamang sa GMA-7.
SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING TELEVISION DRAMA SERIES NA 'START-UP PH' NA MAPAPANOOD DIN SA GMA TELEBABAD SA GALLERY NA ITO: