GMA Logo Show Window The Queen's House
What's Hot

Show Window: The Queen's House: Sofia, nagsisimula nang maghinala!

By EJ Chua
Published June 28, 2022 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Show Window The Queen's House


Sikreto nina Marco at Mira, mabubunyag na nga ba?

Ngayong gabi sa Show Window: The Queen's House, magsisimula nang mag-imbestiga si Sofia Song Yoon-ah).

Habang lumilipas ang mga araw, mas tumitindi ang paghihinala ni Sofia sa kaniyang kaibigan na si Mira (Jeon So-min) at sa kaniyang asawa na si Marco (Lee Sung-jae).

Ilang mga kuwento kasi ng kaniyang kaibigan ang biglang sumagi sa kaniyang isipan na posibleng tama nga ang kaniyang mga iniisip.

Mas kinabahan pa siya dahil sa mga kahina-hinalang mga ikinikilos at mga salita ng kaniyang asawa.

Dahil hindi na mapakali, siya na mismo ang kikilos at gagawa ng paraan upang kumpirmahin ang mga bagay na labis na nagpapagulo sa kaniyang isipan.

Mabubunyag na nga ba ang sikreto nina Marco at Mira?

Ano kaya ang gagawin ni Sofia kapag nalaman niyang ang tinutukoy na lalaki ni Mira ay ang sarili niyang asawa?

Huwag palampasin ang mga nakakagigil at matitinding tagpo sa Show Window: The Queen's House, mamayang 10: 20 p.m. dito lamang sa GMA-7.