
Ngayong gabi sa Show Window: The Queen's House, mukhang may magtatagumpay sa paninira ng relasyon.
Kamakailan lang, napanood ng mga Kapuso kung paano gumagawa ng paraan si Marco para mapabagsak si Sofia.
Kasunod nito, agad na ring kumilos si Mira upang sirain ang reputasyon ni Sofia at makapaghiganti rito.
Ngunit sa sunud-sunod na pagsubok na dumarating sa buhay ng tinaguriang ideal married woman, isang hamon ang tila makapagpapahina sa kaniya.
Kakampihan na rin ba ang kapatid ni Sofia sa kaniyang sakim at manlolokong asawa na si Marco?
Tuluyan na nga bang malalason ang utak ni Jason?
Abangan ang mga nakakagigil at matitinding tagpo sa Show Window: The Queen's House, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10: 20 p.m. at tuwing Biyernes, 10: 35 p.m., dito lamang sa GMA-7.
SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING TELEVISION DRAMA SERIES NA 'START-UP PH' NA MAPAPANOOD DIN SA GMA TELEBABAD SA GALLERY NA ITO: