
Sa panibagong episode ng Show Window: The Queen's House na mapapanood mamayang gabi, muling mahuhuli ni Sofia (Song Yoon-ah) ang patuloy na pagtataksil sa kaniya nina Marco (Lee Sung-jae) at Mira (Jeon So-min).
Nang muling kinutuban si Sofia na mayroong kakaibang nangyayari, sinundan niya ang kaniyang asawa upang makumpirma kung tama nga ba ang kaniyang nararamdaman.
Kaabang-abang kung paano niya muling mahuhuli ang kaniyang asawa na inakala niya noon na nagbago na.
Ngayong Biyernes, mukhang masasagad na ang pasensya ni Sofia dahil sa ginagawang panloloko ng sarili niyang asawa.
Sa nakakagigil na eksenang muli niyang masasaksihan, papalampasin niya pa kaya ang mga ginagawa ni Marco?
Kaabang-abang kung patatawarin ba ulit ni Sofia ang kaniyang asawa? O tuluyan na niya itong palalayasin sa kaniyang tahanan?
Ano kaya ang gagawin ni Marco kapag narinig niya ang pinakahuling kahilingan ni Sofia?
Abangan ang mas tumitinding mga tagpo sa Show Window: The Queen's House, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10: 20 p.m. at tuwing Biyernes, 10: 35 p.m., dito lamang sa GMA-7.
Samantala, kilalanin ang star-studded cast ng upcoming television drama series na Start-Up Ph na mapapanood din sa GMA Telebabad sa gallery na ito: