
Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang isang reel na inupload ni Yasmien Kurdi sa kanyang respective social media accounts.
Busy man sa pagte-taping para sa ongoing afternoon series na The Missing Husband, naisisingit pa rin ni Yasmien ang pakikipag bonding sa kanyang co-stars.
Sa bagong video na ibinahagi niya, mapapanood ang kulitan moments nila ni Joross Gamboa.
Game na game na nag showdown ang dalawa kasabay ng masayang pagbabalik-tanaw nila sa shows kung saan sila magkahiwalay na-discover.
Si Yasmien ay unang nakilala bilang First Princess ng GMA's StarStruck Season 1.
Si Joross naman ay isa sa finalists ng ABS-CBN's Star Circle Quest Season 1.
Ang dalawang reality talent competition shows ay halos naging magkasabayan sa pag-ere sa Philippine television.
Samantala, bukod kay Joross, naka-showdown na rin ni Yasmien ang kanyang The Missing Husband co-stars na sina Cai Cortez, Max Eigenmann, at Michael Flores.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Michael, inilarawan niya kung gaano kasaya ang set ng action suspense drama series mapa-on cam man o off cam.
Patuloy na subaybayan ang kwento ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: