GMA Logo Shuvee Etrata advice
Courtesy: EJ Chua, danified_mua (IG)
Celebrity Life

Shuvee Etrata, ano ang advice para sa younger generation?

By EJ Chua
Published August 27, 2025 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Heat's Terry Rozier seeks to have government charges dismissed
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata advice


Ano kaya ang mensahe ng Island Ate ng Cebu na si Shuvee Etrata para sa mga Kabataan?

Isa si Shuvee Etrata sa nagsisilbing inspirasyon ngayon para sa maraming young viewers at netizens.

Sa interview ng GMANetwork.com at ng GMA Integrated News kay Shuvee Etrata kamakailan, ipinaabot ng tinaguriang Island Ate ng Cebu ang kanyang payo para sa younger generation.

Pahayag niya, “To all the younger generations, this is your Ate Shuvee, I just want to say, pwede kaayo, possible… Huwag po kayong mag-alala o magpadala sa hardships o sa mga nangyayari, self-doubts n'yo. You're actually able to make it. You're able to make a difference. Here's me standing… that dreams do turn into reality.”

Ayon pa kay Shuvee, mahalagang piliin ng bawat kabataan ang pagpapakita ng kabutihan araw-araw.

“You just need to prioritize yourself, believe in yourself, and you actually need to choose good, every single day. Choose kindness, choose good,” sabi niya.

Pahabol pa ng Sparkle star, “Huwag kang magtamad-tamad diyan, kaya mo 'yan at kakayanin mo 'yan para gumanda ang buhay nating lahat.”

Patuloy siyang hinahangaan ng marami dahil sa kanyang genuine personality.

Kamakailan lang, ipinakilala ng Nestle Philippines si Shuvee bilang Choose Good Ambassador for Environment and Nutrition.

Isa si Shuvee Etrata sa ex-housemates ng hit GMA at ABS-CBN collab na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Ang kanyang final duo sa loob ng Bahay Ni Kuya ay ang Kapamilya star na si Klarisse De Guzman, at nakilala sila sa recently concluded hit reality competition bilang ShuKla.

Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata