
Sa kauna-unahang pagkakataon, magiging magkatrabaho na sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata
Sa latest post ng OPM star na si Jenzen Guino, inanunsyo niyang magkakasamang bibida sina Shuvee at Anthony sa kanyang music video na pinamagatang "Marupok".
Sulat niya sa caption ng kanyang IG post, “Sa mga kagaya naming marurupok--para sa inyo 'to.”
Nakatakdang i-release ang "Marupok" music video sa darating na August 22.
Samantala, sa kanyang previous interviews, ibinahagi ni Shuvee na nasa courting stage pa lang sila ni Anthony. Sa Magpakailanman episode kung saan itinampok ang tunay na kwento ng buhay ni Shuvee, sinabi niyang grateful siya sa pagdating ni Anthony sa kanyang buhay.
Samantala, sa pagbisita niya noon sa Unang Hirit, ipinakilala niya si Anthony bilang kanyang TDH (Tall, Dark, and Handsome).
Si Shuvee ang isa sa ex-housemates ng GMA and ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.