
Isang bagong digital series ang hatid ng GMA na siguradong magbibigay ng kilig at feel-good vibes sa mga manonood.
Mapapanood ngayong Setyembre ang romantic-comedy series na From Vlog to Love na pagbibidahan nina Sparkle stars Shuvee Etrata at Anthony Constantino.
Kabilang din sa cast ng naturang serye sina Che Ramos, Christian Antolin, Caitlyn Stave, Kiel Gueco at Ruby Ruiz.
Ang From Vlog to Love ay tungkol sa isang masipag na college student na nag-o-OJT sa isang resort. Dito niya makikilala ang isang bossy at supladong Filipino-American na pinabalik sa Pilipinas matapos masangkot sa iskandalo.
Unti-unting mahuhulog ang loob ng dalaga sa lalaki. Pero paano kung matuklasan niya na may iba palang dahilan sa likod ng pagpapakilig at pagkuha nito ng loob niya?
Abangan ang premiere ng From Vlog to Love simula September 18 hanggang October 3, tuwing Biyernes at Sabado sa oras na 7:00 p.m. sa official YouTube channel ng GMA Network.