GMA Logo anthony con
Source: Barangay Love Stories TV
What's on TV

Shuvee Etrata, Anthony Constantino at ex-PBB Celebrity Collab 2.0 housemates, magpapakilig sa 'Barangay Love Stories'

By Kristine Kang
Published September 9, 2026 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magkakapatid na OFW, bakit sabay-sabay napauwi ng Pilipinas? | GMA News Feed
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)
Kelsey Merritt, Alex Eala share a hug at New York Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

anthony con


Tampok sa mga kuwento ng pag-ibig sina Shuvee Etrata, Anthony Constantino, Sofia Pablo, Iñigo Jose, Ashley Sarmiento, Lee Victor, at Rave Victoria sa TV adaptation ng 'Barangay Love Stories.'

Ipakikita nina Shuvee Etrata, Anthony Constantino, at ex-Pinoy Big Brother Collab Edition 2.0 housemates na sina Sofia Pablo, Iñigo Jose, Ashley Sarmiento, Lee Victor, at Rave Victoria ang iba't ibang kuwento ng pag-ibig sa pilot episode ng TV adaptation ng Barangay Love Stories.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Martes, September 8, ibinahagi ng mga cast member ng pilot episode ang kanilang excitement sa pagganap sa No. 1 FM radio show at podcast sa media conference nito na ginanap noong Lunes, September 7.

Para sa unang episode, bibida sina Shuvee at Anthony sa isang kilig office romance. Ayon sa huli, natutuwa siyang makasama muli ang una sa isang proyekto.

"Working with Shuvee doesn't even feel like work. It's really, the days and hours go by so fast e, so honestly, I am super blessed to be working with Shuvee. Excited for you guys to see us on the screen, of course," pahayag niya.

Magpapakilig naman sina Sofia at Iñigo sa second episode bilang isang malambing na magkasintahan. Excited na ang dalawa, lalo na't ito ang kanilang kauna-unahang rom-com project mula nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya.

"Nama-manifest namin, sana magka-work tayo paglabas 'no. 'Tapos siyempre, looking back, ang galing kasi nandito na. Nagka-work na kami, and working with him, super dedicated siya," kuwento ni Sofia.

Pinuri naman ni Iñigo si Sofia sa husay nito sa pag-arte, kaya nagpapasalamat din siya dahil marami siyang natutunan sa aktres.

"Si Sofia po, magaling na po talaga na artista po. So, ayun, tsaka, very experienced na siya. So, ako, I learned a lot from her," aniya.

Para sa third episode naman, tampok sina Ashley, Lee, at Rave na gaganap sa isang kuwento tungkol sa second chances.

Inamin din nina Ashley at Lee na excited silang bigyang-buhay ang mga love story dahil avid listeners din sila ng Barangay Love Stories.

"Every time na nasa byahe ako, nasa car ako, bigla ko na lang maririnig 'yung Barangay Love Stories. Actually, invested ako. Nakikinig talaga ako sa mga stories," bahagi ni Lee.

"Nakakatuwa kasi kapag bumibili po ako noong bata ako sa tindahan, naririnig ko po sa radyo ng tindera. Tapos minsan, napapa-stop talaga ako para makinig. And same with Lee, kapag nasa byahe, naririnig ko rin siya, so nakakatuwa na nasa TV na 'yung Barangay Love Stories," dagdag ni Ashley.

Mapapanood ang Barangay Love Stories, sa pangunguna ng paboritong radio host at Pambansang Storyteller na si Papa Dudut, simula Sabado, September 12, 4 p.m. sa GMA.

Balikan dito ang mga kaganapan sa media conference ng Barangay Love Stories: