
Bumisita at naghatid ng saya ang naggagandahang ladies na dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Shuvee Etrata, Ashley Ortega, Kira Balinger, at AC Bonifacio sa It's Showtime ngayong Huwebes, June 26.
Isang pangmalakasang dance performance ang ipinamalas ng guest celebrities nang sayawin nila ang kantang “Gabriela” ng global girl group na KATSEYE. Ibinahagi ng talented ladies na masaya silang nagsama-sama ngayon sa noontime variety show.
“Sobrang saya po. Pinag-uusapan lang po namin ito nung nasa bahay kami, na we would perform together, we would be on the [It's] Showtime stage all together. It's a dream we had inside that we're now bringing sa outside world,” ani AC.
Nagpasalamat naman si Ashley sa mga blessing na kanilang natatanggap at sa suporta ng kanilang fans.
Labis ang tuwa ni Kira na makasama ang kaniyang kapwa ex-housemates sa It's Showtime stage.
“Sobrang tagal kong hindi nag-prod. So the fact that I'm here, siyempre, with my new sisters from PBB and here on Showtime, I'm so so grateful. Thank you, Showtime for having us,” ani Kira.
Masayang-masaya rin si Shuvee dahil aniya'y finally nakarating siya sa It's Showtime.
Bukod dito, sinabi ng hosts sa guest celebrities na mayroong nais bumati sa kanila at narinig nila ang tila boses ni "Kuya".
"Kira, Shuvee, AC, Ashley, gusto ko lang sabihin sa inyo na sobarang proud ako," ani Jhong Hilario, na ginagaya ang tono ng boses ni Big Brother.
Napa-thank you Kuya naman sina Ashley at Kira nang sabihin ito sa kanila.
Dagdag pa ng It's Showtime host, "Hindi lang dahil sa nagawa n'yo ang aking mga task, kundi pinapasaya n'yo ang Madlang people sa outside world."
Natawa naman sina Shuvee, Ashley, Kira, at AC nang malaman na si Jhong ang nagsasalita sa microphone at anila'y kuhang-kuha nito ang boses ni Kuya.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: SHUVEE'S WELCOME PARTY