GMA Logo Shuvee Etrata and Anthony Constantino
Photo source: anthony.constantino (TikTok)
Celebrity Life

Shuvee Etrata at Anthony Constantino, nagpakilig sa bagong video

By Karen Juliane Crucillo
Published December 16, 2025 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, isolated rains to prevail over parts of PH on Wednesday
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata and Anthony Constantino


Panoorin dito ang nakakakilig na video nina Shuvee Etrata at Anthony Constantino.

Hindi nagpahuli sa pagpapakilig sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino bago matapos ang taon.

Sa TikTok, sumali sina Shuvee at Anthony sa isang trend kung saan nakasandal sa pader si Shuvee, habang si Anthony naman ay nakahawak din sa pader at nakatitig sa ex-PBB housemate na nagli-lipsync sa “Bad” remix ni Rihanna.

Sa video, hindi napigilan ni Shuvee ang kilig sa pagtitig ni Anthony at sa malapit nang magdikit na mga mukha nila kaya kunwari niyang sinampal ang actor-model para maalis ang tingin sa kanya.

“Hi gwapa,” sulat ni Anthony sa caption.

Sa comments section, hindi napigilan ng fans nina Shuvee at Anthony na kiligin sa kanilang titigan at malapit nang magdikit na mukha.

@anthony.constantino

hi gwapa

♬ Bad (feat. Rihanna) [Remix] - Wale

Nagsimula ang pag-ship kina Shuvee at Anthony nang aminin nilang nagliligawan sila simula noong Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Ang fanship nina Shuvee at Anthony ay kilala bilang “AnVee.”

Si Anthony ay kilala rin bilang TDH o “Tall, Dark, and Handsome,” na sumikat na meme ni Shuvee sa loob ng Bahay ni Kuya.

Samantala, tingnan dito ang fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0: