
Puno ng kilig vibes ang “Ale” trend entry ng Huwag Kang Titingin stars na sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino.
Sa kanyang TikTok video, very dashing ang Kapuso actor habang nakaupo sa driver's seat ng isang jeepney.
Maraming fans ang hindi napigilang kiligin sa ngiti at titig sa kamera ng “poging drayber.” Nadagdagan pa ang gwapo points nang masaya siyang nag-lip sync sa trending song.
"paalis na cubao," caption ni Anthony sa kanyang video.
@anthony.constantino paalis na cubao
♬ Ale - The Bloomfields
Samantala, mas lalo pang nadoble ang kilig nang mag-post din si Shuvee ng sarili niyang “Ale” trend entry. Bukod sa kanyang stunning Island Girl beauty, napansin ng fans na kaparehong jeep ang sinakyan niya sa video ng Kapuso actor.
"Passengers princess," ani Shuvee.
Marami ang nagsabing si Shuvee ang “babaeng saksakan ng ganda” sa video ni Anthony, habang may ilan naman ang humanga sa kanyang energy.
Sa ngayon, umani na ng mahigit 300,000 views at 58,000 heart reactions ang dalawang TikTok entries. Kaagad ding napuno ng suporta at kilig ang comment section mula sa fans ng Kapuso pair.
@shuveeeetrata Passengers princess
♬ Ale - The Bloomfields
Kasama sina Shuvee at Anthony sa upcoming GMA Pictures at Mentorque Inc. horror film na Huwag Kang Titingin. Kabilang din sa cast sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Sean Lucas, Michael Sager, Josh Ford, Kira Balinger, at Charlie Fleming, at marami pang iba.
Idinirek ang pelikula ni Frasco Mortiz at sinulat ni Ays De Guzman.
Balikan ang thrilling snaps ng Huwag Kang Titingin storycon sa gallery na ito: