
Dalawang grupong bonded by friendship, shared passions, at strong team spirit ang maghaharap sa “Four-ever ang Tawa, Four-ever ang Saya, Family Feud is Four-ever” Friday.
Sa pagpapatuloy ng month-long 4th anniversary special ng Family Feud ngayong March 13, maglalaro ang Team AnVee at Team Huddle.
Mangunguna sa Team Anvee ang rumored lovebirds na sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino. Makakasama nilang magpakita ng husay sa Family Feud ang kanilang mga kaibigan. Ang Korean-British fashion model friend ni Anthony na si Eugene Reggio, at ang close friend ni Shuvee at professional make-up artist na si Thazzia Falek.
Tampok naman sa Team Huddle ang grupo ng mga negosyante at proud La Salle alumni sa pangunguna ng actor, host, content creator, at Sparkle artist na si Shan Vesagas.
Makakasama niya ang kanyang dating college basketball teammate mula sa DLSU Dasma na si Siegfried Llamado, pati ang kanyang mga kaibigan noong high school at naging basketball teammates sa La Salle Zobel na sina Karlo Favis at Mark Requidan.
Abangan ang Friday night showdown na ito sa Family Feud ngayong March 13, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Hating Kapatid, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, Delightfully Deceitful, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.