
Mission accomplished sina Shuvee Etrata at Kim Perez matapos silang makisaya sa Art Gap event ng GMA at ng Little Ark Foundation.
Dumalo sina Shuvee at Kim sa naturang event na ginanap sa National Children's Hospital sa Quezon City.
Nasaksihan ng Sparkle stars ang mga bata na nag-enjoy sa iba't ibang art activities.
Present din sa event si GMA Network Vice President for Corporate Affairs and Communications Angel Javier-Cruz.
Dito nagbigay siya ng pahayag tungkol sa layunin ng Kapuso network sa pagsasagawa ng Art Gap event.
Pahayag ni Angel Javier-Cruz, “Kaya po kami tinawag na Kapuso… ito ang ginagawa namin, nagse-share kami ng blessings at nagbibigay kami ng joy sa mga Kapuso namin na nangangailangan ng additional smiles at additional na pagmamahal.”
Ayon naman sa founder ng Little Ark Foundation na si Butch Bustamante, “This is the first time na ginawa ito ng GMA with National Children's Hospital and in partnership with Little Ark Foundation. We're very happy and fortunate to be part of it as well.”
Para kay Shuvee Etrata, mahalaga ang pagtulong sa kapwa, “As artists, mayroon kaming platform to help other people, hindi lang naman financial din 'yung tulong, bigyan natin sila ng kasiyahan. Now is the time to help.”
Panawagan naman ni Kim Perez, sana ay makiisa rin ang bawat mamamayang Pilipino sa ganitong klaseng mga event na patungkol sa pagbibigay tulong sa mga nangangailangan.
Samantala, ang Art Gap event ay 23 years nang ginagawa ng GMA para maging platform ng creativity ng mga Kapuso.