
Dobleng saya at energy ang naganap sa fun noontime program na It's Showtime ngayong Biyernes!
Masayang sinalubong ng madlang people ang ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition stars na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman.
Puno ng energy ang ShuKla duo, na tila hindi maubos-ubos ang kanilang joke entries sa hosts.
"Grabe two weeks. Nag-workshop pa kami sa Paris para makuha ang tamang intonation," biro ng Nation's Mowm sa kanilang guesting.
"Sa loob palang ng Bahay ni Kuya, minanifest na namin ito," dagdag ni Shuvee.
Pero ang simpleng bisita nila ay kaagad may twist! Habang nakikipag kulitan ang dalawa bigla sila kinausap ng isang boses. Tila parang si Kuya?!
"Gusto ko lang na sabihin sa inyo na masayang masaya ako dahil napakainit ng pagtanggap sa inyo ng mga tao mula noong lumabas kayo ng aking bahay," sabi ng boses. "Proud na proud ako sa inyo. Lalong lalo na, nagawa n'yo lahat ng tasks na pinapagawa ko sa inyo."
Tila kinabahan sina Shuvee at Klarisse nang narinig nilang may bago silang hamon na haharapin!
"Kahit nasa labas na kayo ng aking bahay, gusto ko ipakita n'yo sa mga tao na kayang-kaya n'yong gawin ang mga task na ipapagawa ko," dagdag ng boses. "Pasayahin nyo ang madlang people. Pinapatawan ko kayo ng Force Hosting!"
Game naman tinanggap ng ShuKla ang hamon, kaya't sinamanhan nila ang mga host sa weekly finals ng "Breaking Muse" at "Escort of Appeals".
Doon din nila nakita muli ang bagong evicted PBB duo na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.
"Napaka OA! Ito nga pala 'yung tinapakan ko, nandito na sila," biro ni Klang habang pinapakilala ang duo. "Tinapakan ko 'di naman sila napipi kaya nandito sila. Sila ang mananabak ngayon ng kilig, Ang Chinito Boss-Sikap at Ang Sassy Unica Hija, Dustin Yu at Bianca De Vera, ang DusBi!"
Labis din pinusuan ng fans ang banters ng ShuKla sa mga host, lalo na kay Vice Ganda.
"What is Wit?" tanong ni Vice sa duo.
"Wit comes from the root word wi," hirit ni Shuvee. "Wi are happy family!"
"So why did you add the T?" tanong ulit ng comedian.
"Because we like the T. Together, we are together." paliwanag ni Shuvee.
"So Wi and you add the T, we are together! I love it, I love it! You will have another day (here) tomorrow," masayang sinabi ni Vice.
Kaagad pinag-usapan ang kulitan ng ShuKla online na umabot pa sa trending list ng X (dating Twitter).
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang kulitan nina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman, dito: