GMA Logo Shuvee Etrata at Bianca De Vera
What's Hot

Shuvee Etrata-Bianca De Vera duo, automatic na nominado sa eviction night

By Kristian Eric Javier
Published May 4, 2025 7:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Singitan sa pagpasok ng mall parking lot sa Marikina, nauwi sa sakitan
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata at Bianca De Vera


Isang paglabag sa house rules ang nagtulak kay Kuya para awtomatikong mabigyan ng nominasyon sina Shuvee Etrata at Bianca De Vera.

Automatic nomination ang natanggap ng magka-duo na sina Shuvee Etrata at Bianca De Vera dahil sa isang matinding paglabag sa house rules ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa episode ng PBB ngayong Linggo, May 4, pinatawag ni Kuya ang duo nina Shuvee at Bianca sa confession room. Doon ay ipinaalam sa kanila may nilabag na batas ang Kapuso star.

Paliwanag ni Kuya, may dalawang pagkakataon na nilabag ni Shuvee ang house rules pagdating sa pagsuot ng kanilang lapel mic. Matatandaan na nang sumugod si Shuvee sa swimming pool para sundan ang kanilang co-housemate na si Klarisse De Guzman ay suot at nabasa niya ang kaniyang mic.

Sa hiwalay na pagkakataon ay nakalimutan naman ni Shuvee na isuot ang kaniyang lapel mic. Dahil sa mga paglabag na ito, napawatawan sila ni Kuya ng automatic nomination. Ngunit kahit matindi ang parusa, tiniyak naman ni Bianca na makakayanan nilang lampasan ang pagsubok na ito.

KILALANIN ANG KAPUSO AT KAPAMILYA HOUSEMATES SA GALLERY NA ITO:

Bukod kina Shuvee at Bianca, nominado rin ang duo nina Josh Ford at Ralph de Leon, at Xyriel Manabat at Dustin Yu. Samantala, nakatanggap naman ng immunity ang duo nina Esnyr at Mika Salamanca.

Sa X (dating Twitter), ilang netizens ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon sa nangyaring nominasyon, partikular na sa automatic nomination ni Shuvee at Bianca dahil sa lapel. Isa sa mga netizen, sinabing OA (over acting) ang naging reaksyon ni Kuya sa pagsugod ni Shuvee sa pool para siguraduhing maayos si Klarisse.

Isang netizen naman ang pumuri kay AZ Martinez na kinuwestyon ang parusang binigay kay Shuvee.

Mayroon ding nagpahayag kung gaano siya ka-proud kay Shuvee sa ginawa nitong pagtalon sa pool para i-check si Klarisse.

“She didn't abandon her principles to favor Kuya's approval. She knows it's a grave violation, but her first instinct was to jump for Klang out of concern,” sulat ng netizen.

Sulat ng isa pang netizen, “BBS SHUCA pls! magiging multo ko si shuvee pag naevict siya dahil lang priniority niya yung safety ng tao over anything.”

Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.

Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.

Sino kaya sa mga housemates ang susunod na aalis sa Bahay ni Kuya? Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.