
Si former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap siya bilang struggling writer na si Erica sa episode na pinamagatang "Para Sa Batang Ako."
Dahil sa paulit ulit na rejection ng publishers, gusto nang sumuko ni Erica sa pangarap niyang makapaglabas ng isang libro.
Bigla namang darating sa buhay niya si Eka, played by child actress Aya Silvoza, misteryosong bata na sisikaping ibalik ang inspirasyon ni Erica.
Matatapos ba ni Erica ang libro niya sa tulong ni Eka?
Huwag palampasin ang bagong episode na "Para Sa Batang Ako," March 1, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.