
Thankful ang Sparkle star na si Shuvee Etrata para sa nagdaang taong 2025.
Sa kanyang New Year post sa Instagram, ipinarating ni Shuvee kung gaano siya nagpapasalamat sa success at blessings na dumating sa kanya noong nakaraang taon.
"Dear 2025, You are the prayer I whispered on my hardest nights. God heard me and now it's a promise. Thank you from the bottom of my heart," sulat ng dating PBB Celebrity Collab Edition housemate.
Sa isang maikling video, binalikan din ni Shuvee ang ilan sa pinakamaningning niyang 2025 moments. Mula sa pagiging isang housemate sa Bahay ni Kuya, na simula nang sunod-sunod na blessings sa kanyang buhay--endorsements, billboards, guestings, "The Big ColLove" concert, hosting, shows, movie, at travels, hanggang sa mabili ang kanyang dream car at pagpapatayo ng kanyang dream house.
"Starting the year with a grateful heart," caption ng aktres.
Isa sa show na kinabilangan ni Shuvee ay ang GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan napanood siya bilang Veshdita. Kabilang siya ngayon sa MMFF 2025 film na Call Me Mother, na pinagbibidahan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Congratulations, Shuvee Etrata!
Related content: Shuvee Etrata is one big force in her Kapuso Profiles Shoot