
Malaki na umano ang pinagbago ng buhay ni Shuvee Etrata simula nang makalabas siya sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Sa katunayan, nabilhan nga niya ng sapatos ang matalik na kaibigan na si Ashley Ortega mula sa luxury brand na Dior.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, September 19, ikinuwento ni Shuvee na nasira niya ang Dior heels ni Ashley kamakailan lang. Dahil dito, ipinangako niya sa sarili na papalitan niya ang gamit ng kaibigan.
“So dala-dala ko 'yun, sabi ko talaga sa sarili ko, once na magkapera ako, bibilhan ko si Ashley ng Dior na sapatos,” sabi ng aktres.
Kamakailan lang ay nagpunta siya, kasama ang kapwa former housemates na sina Will Ashley at Ralph De Leon sa Japan para sa trabaho. Áyon pa kay Shuvee, hindi naman niya na-feel mag-shopping doon dahil trabaho ang kanilang pinunta roon.
Ngunit noong huling araw nila sa Japan, bigla siyang napaisip, “E last day ko na, Tito, sabi ko, 'Ay, mura lang daw dito 'yung mga ano.' Tiningnan ko 'yung bank ko. 'Parang kaya ko naman na pala siguro.' Sabi ko po, pupunta ako ng Dior, bili ako ng [shoes].”
“Pero nanginginig-nginig talaga ang loob ko, Tito Boy, kasi first time ko. So siyempre kinakabahan ako, 'Baka paalisin ako dito, baka magmukha akong -- Shuvee, imagine mo na lang, palagi ka dito,'” kuwento ng aktres.
Sobrang saya umano niya nang mabili ang naturang sapatos para sa kaibigan. Ikinwento ni Shuvee kung gaano siya kakabado pagpasok niya sa Dior store.
Ngunit ayon kay Shuvee, hindi pa niya nabibigay ang sapatos kay Ashley dahil sa sunod-sunod ang projects na kailangan niyang gawin.
“Hindi ko pa talaga nabibigay kasi Tito Boy, after Japan, pumunta kami ng Thailand for a brand so medyo naging straight po 'yung schedule ko po talaga,” sabi ni Shuvee.
Bukod kay Ashley, matalik na kaibigan din ni Shuvee ang kapwa Sparkle artists niyang sina Skye Chua at Roxie Smith.
Panoorin dito ang panayam kay Shuvee:
TINGNAN ANG BEAUTIFUL FRIENDSHIP NINA SHUVEE AT ASHLEY SA GALLERY NA ITO: