
Pause muna sa trabaho si Shuvee Etrata ngayong holiday season.
Related gallery: The stunning looks of Island Girl Shuvee Etrata
Sa kanyang Instagram account, ilang photos ang in-upload ni Shuvee na tila kinuhanan noon mismong Christmas Eve.
Makikita sa photos ang Sparkle star, kanyang mga magulang, at nakababatang mga kapatid na magkakasamang nag-celebrate ng Pasko.
Dito ay ipinasilip ni Shuvee ang kulitan moments nila ng kanyang pamilya habang nagbibigayan ng regalo at mala-catering na setup para sa pagsasalo-salo.
Simple caption ng Kapuso star sa kanyang post, “Merry Christmas!”
Matatandaang September ngayong taon, masayang ini-reveal ni Shuvee na natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap- ang makabili ng sariling sasakyan.
Isa siya sa ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, at nakilala siya sa teleserye ng totoong buhay bilang Island Ate ng Cebu.
Kilala ngayon si Shuvee sa outside world bilang Nation's Darling.
Samanatala, silipin ang bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa outside world sa gallery na ito: