
Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakasama sa isang serye ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Shuvee Etrata at Charlie Fleming.
Sina Shuvee at Charlie ay kabilang sa star-studded cast ng upcoming series sa GMA na pinamagatang, The Master Cutter.
Related gallery: 'The Master Cutter' holds star-studded storycon
Sa report ni Nelson Canlas para sa GMA Integrated News na ipinalabas sa 24 Oras nitong August 19, ibinahagi ng Sparkle stars ang kanilang reaksyon sa pagiging parte ng programa.
Excited si Shuvee sa action scenes na gagawin niya sa The Master Cutter.
“We also have fight scenes so medyo action din po ito. Gusto ko rin maging ready physically. Na-train naman din po ako sa Encantadia,” sabi niya.
Ikinuwento naman ni Charlie na bago sila mapabilang sa cast nito ay napag-usapan na nila ni Shuvee sa Bahay Ni Kuya na sana ay maging co-stars sila sa isang palabas.
Pahayag ng Sparkle star, “Kailan lang po, nag-usap kami sa loob ng PBB house saying na we want to work together. Feeling namin we're going to be maingay sa set. I'm so thankful and I'm so excited…”
Samantala, bukod kina Shuvee at Charlie, mapapanood din sa upcoming series sina Dingdong Dantes, Max Collins, Jo Berry, Sienna Stevens, Tonton Gutierrez, Paolo Contis, Prince Carlos, at marami pang iba.
Abangan ang The Master Cutter sa GMA!