
Muling bumisita ang Sparkle actress at dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata sa It's Showtime kamakailan.
Sa kanyang pagbisita sa noontime variety show, isa-isa niyang bineso ang mga host at masaya niyang binati ang Madlang People.
Kinumusta ni Amy Perez sa Cebuana beauty ang experience nito sa naganap na The Big Night kamakailan.
“Sobrang saya dahil tapos na nga ang PBB. Maraming salamat po sa lahat ng nanood ng PBB Celebrity Collab Edition,” aniya.
Matapos ito, pinuri ni Anne Curtis ang ganda ng Sparkle actress at nag-fangirl naman ang huli sa una.
“I love you, Ate Anne,” ani Shuvee at pagkatapos ay niyakap niya si Anne.
“She's so cute. Isa 'to sa mga PBB na pinanood ko talaga, 'yung batch nila. Congratulations!” sabi naman ni Anne.
Matatandaan na ang duo nina Shuvee at Kapamilya singer Klarisse De Guzman na ShuKla ang ika-anim na na-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Noong July 5, naganap ang Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at nagwagi ang BreKa, o ang duo nina Brent Manalo at Mika Salamanca.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
MAS KILALANIN PA SI SHUVEE ETRATA SA GALLERY NA ITO.