
Si Kapuso rising star at former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Espesyal ang episode na ito para kay Shuvee dahil tungkol ito sa kuwento ng kanyang buhay.
Siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili sa episode na pinamagatang "Pinoy Big Breadwinner: The Shuvee Etrata Story."
Mapapanood dito ang naging buhay niya bago lumuwas sa Maynila ang pumasok sa showbiz.
"Grabe na po talaga ang Magpakailanman. Mga isang box na ng tissue 'yung naubos ko. Hindi naman ako na-inform na ireretoke niyo pala 'yung mukha ko dito. Ginawa niyo akong bubuyog. Grabe naman kayo," biro niya.
Naging mahirap para kay Shuvee ang matinding aktingan pati na ang pagbabalik-tanaw ang mga pinagdaanan niya noon kaya umaasa siyang magugustuhan ang mga manonood ang episode.
"Kakatapos lang namin sa mabibigat na scenes. Sobrang naapektuhan ako kaya ganito po 'yung mukha ko. Sana mag-enjoy kayo sa mga scenes na 'yan," pag-imbita niya.
Makakasama ni Shuvee sa episode sina Gabby Eigenmann, Sharmaine Arnaiz, Christian Antolin, Juharra Asayo, at Miguel Diokno.
Si Neal del Rosario ang nagsibling direktor ng episode na mula sa script ni John Roque at research ni Georis Tuca.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Pinoy Big Breadwinner: The Shuvee Etrata Story," August 9, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.