
Proud at grateful ang Sparkle star na si Shuvee Etrata na mapasama sa sampung bold, brave, and beautiful women ng Sparkle 10. Pero ayon sa aktres ay nagkaroon din siya ng doubts sa sarili na mapabilang siya grupo.
Kamakailan ay ipinakilala siya, kasama sina Faith Da Silva, Rabiya Mateo, Ashley Ortega, Lianne Valentin, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Liezel Lopez, Kate Valdez, at Elle Villanueva bilang bahagi ng Sparkle 10 noong February 13.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Shuvee na masaya ang naging shoot nila para sa billboard photo at sinabing naging mas espesyal pa ito dahil kasama niya ang kapwa Sparkle actresses sa shoot.
“Sobrang saya ko nung shoot na 'yun although wala kaming kain lahat. Alam mo 'yung lahat gutom pero masaya kasi lahat kami nagtutulungan pasayahin yung isa't isa. So I'm very, very grateful kasi sila po nakasama ko,” sabi niya.
Inamin din niya na marami sa kanila ang nag-doubt kung ok lang ba na mag-pose sila sa para sa isang photo ng naka two-piece lalo na at karamihan sa kanila ay “wholesome” ang image.
“Pero siguro ang common denominator ng lahat ng girls sir Nelson is that we're very confident and in a way, bold. Hindi naman sa bold na bastos. Sexy pero hindi bastos,” sabi niya.
KILALANIN ANG FIERCE AND FABULOUS NA SPARKLE 10 SA GALLERY NA ITO:
Ngunit hindi lang sa sexy photos nagkaroon ng doubts si Shuvee dahil matapos umano lumabas ang billboard ay nagkaroon din siya ng mga agam-agam sa sarili, lalo na sa pagkakasali niya sa Sparkle 10.
“Ang naramdaman ko talaga, sir Nelson, deserving ko ba mapunta dito sa itong sampu na ito? 'Yun talaga 'yung una kong naisip, sir Nelson. Upon looking, staring at the billboard while dumaan ako sa EDSA, 'deserving ko kaya na mapasama sa kanila ba?'” sabi niya.
Dagdag pa ng aktres, nagkaroon siya ng doubt sa sarili dahil sa pagiging pinakabagong artista mula sa hanay ng mga aktres na nakasama niya.
Sa huli, masaya si Shuvee na nabigyan siya ng oportunidad ng Sparkle na makasama ang mga kapwa aktres “because I learned a lot from them.”
“I'm not the youngest but I feel like I can learn so much from them. Kasi, they're not just any ordinary girls out there, sir Nelson. They are both talented, and beautiful. All in all, they're empowered as a woman. So, I'm very grateful na kasama ako sa sampu,” sabi niya.
Kahit medyo sexy at daring si Shuvee sa billboard ng Sparkle 10, masaya at proud umano ang kaniyang mga magulang niya. Ayon pa sa upcoming actress, gusto nilang puntahan at makita ng personal ang billboard.
“Ever since, sir Nelson, they were very supportive. With my dreams, especially na I'm very far away. Malayo ako from them. They're in Cebu. I'm here in Manila. I'm living alone. So, ever since naman po, I decided to live with this journey, sir Nelson. They were very supportive,” aniya.
Dagdag pa ni Shuvee, lahat ng posts ngayon ng Sparkle ay shine-share na rin ng kaniyang mga magulang.
Pakinggan ang buong interview ni Shuvee rito: