
Tinutukan ng mga manonood ang matitinding mga eksena sa pilot week ng bagong GMA Prime series na The Master Cutter.
Nag-umpisa ito sa pasabog na episode noong Lunes, May 11, kung saan nakitang nakipagbakbakan ang role ni Mr. Dingdong Dantes na si Atoy at ang karakter ni Miguel Tanfelix na si Galo Villareal.
Nagsimula rin ang misteryosong kuwentong itinatago ni Elaine, na ginagampanan ni Max Collins, na mas magiging kaabang-abang ang mga susunod na mangyayari sa The Master Cutter.
Ito ang binida ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Shuvee Etrata sa panayam niya sa GMANetwork.com. Aniya, kahit ang mga supporting cast sa GMA Prime soap ay may backstory na hindi dapat palampasin ng mga manonood.
“The story itself that doesn't solely revolved one person, each cast they have their own stories na medyo hindi natin alam kung paano lalaruin ng director.
“It makes the story beautiful, kasi mas unexpected. Hindi mo alam kung anong mangyayari. Hindi moa lam 'yung perfect na mangyayari, ang maganda diyan its diverse. At the same time the storytelling is more incredible kasi it is being acted by different set of artists na sobrang gagaling, sobrang talented.
“Mapasama lang ako sa show na 'to sobra po talaga akong masaya. Privilege po talaga and honor.” Naka-ngiti tugon ng Sparkle actress.
Dahil sa all-star cast ng The Master Cutter, aminado rin si Shuvee na hindi niya maiwasang ma-starstruck sa taping nila dahil sa mga seasoned artist na kasama niya.
“Kasi even though I am an artist, I consider myself... artista naman talaga ako, guys. Minsan, mukha lang ako hindi artista," biro ni Shuvee.
“Pero ang napansin ko po sa sarili ko, I'm still a fangirl. I still feel, you know, kilig when I see those stars—si Miss Rio Locsin- napapanood ko lang sa TV. Guys, si Kuya Dingdong pagka-guwapo!
“There is Sir Tonton [Gutierrez], si Ate Max [Collins]. Kung gaano kaguwapo si Kuya Dong, grabe naman kaganda itong si Ate Max, totoo ba 'to!”
“I'm surrounded with these icons, with talented artists. Alam mo 'yung nasa loob lang ako ng tent with them kinikilig na ako.
Mapapa-'anak ng sinulid' ang lahat sa maaksyong tagpo sa The Master Cutter sa GMA Prime, pagkatapos ng 24 Oras. Mapapanood ang delayed telecast nito sa GTV tuwing 9:45 p.m.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata