
Isang ayuda na naman para sa mga tagasuporta nina Shuvee Etrata at Anthony Constantino dahil ni-reveal ng ex-Pinoy Big Brother housemate kung sino ang nag-first move sa kanilang dalawa para mapunta sa ligawan stage.
Sa isang episode ng Your Honor, ikinuwento ni Shuvee na si Anthony ang nag-first move sa kaniya kahit na mayroon na itong crush sa Filipino-American model.
"Si Anthony naman, naging crush ko siya sa series ni Esnyr. Nakita ko lang siya sa TikTok FYP ko. Nakita ko siya sa FYP, then ni-repost ko lang," sabi ni Shuvee.
Nabanggit din ng Sparkle artist na ang mga tipo niya sa lalaki ay TDH (Tall, dark, and handsome) katulad ni Donny Pangilinan na isa niya ring crush.
Dagdag nito, "So, nung nakita ko siya [Anthony], hala, same, gano'n. So, naging crush ko rin siya."
Pagkatapos ng pag-repost ni Shuvee sa TikTok ni Anthony, fi-nollow ni Anthony si Shuvee at nag-DM ito sa kaniya.
Inamin ni Shuvee na "malakas daw ang loob" niya na makipagkulitan online dahil akala niya nasa Los Angeles si Anthony kaya sumagot ito sa DM.
Ibinuking ni Shuvee na ang unang message ni Anthony ay "Hi, ganda" at sinagot niya ito ng "Hi, pogi."
Simula noon, na-develop na ang feelings nila sa isa't isa at niligawan siya sa tradisyunal na pamamaraan na panliligaw ng mga Pilipino.
"So, the core values are like really Filipino. So, nanligaw siya agad. We've been seeing each other. Tapos, 'yun na 'yung nanligaw na siya," sabi ng Sparkle artist.
Bago man pumasok si Shuvee sa loob ng Bahay ni Kuya, nagsimula na ang kanilang ligawan stage at nakita na din ng magulang ni Shuvee si Anthony.
Pagkatapos ng eviction nina Shuvee at ng kaniyang ka-duo na si Klarisse De Guzman, isa si Anthony sa mga sumundo sa kaniya paglabas ng Bahay ni Kuya. Nagbigay rin si Anthony ng bouquet of flowers kay Shuvee na kinakiligan ng netizens.
Sumikat ang TDH (Tall, dark, and handsome) ni Shuvee noong pumasok sa Bahay ni Kuya si Donny bilang houseguest. Ginagamit na din ito bilang viral sound sa TikTok at pati si Shuvee at Anthony ay nakisali na din sa trend.
Samantala, tingnan dito ang pagsalubong ng Sparkle family kay Shuvee Etrata sa outside world: