
Hindi maikakaila na sobrang excited na si Shuvee Etrata sa GMA Gala 2025 na gaganapin ngayong Sabado, August 2.
Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata
Kasunod ng pag-upload ng kaniyang reaction video tungkol sa kaniyang gown, ipinasilip naman ni Shuvee sa hiwalay na social media post ang kaniyang look at makeup para sa event.
Sa photos na ibinahagi niya online, makikitang fierce na fierce si Shuvee sa kaniyang smoky eye makeup at red lipstick.
Mababasa sa comments section ng kaniyang post sa Instagram, ang ilang papuri ng kaniyang fellow celebrities at fans sa kaniyang stunning look.
Kabilang sa mga pumuri sa makeup ni Shuvee ay ang Pinoy Big Brother host na si Melai Cantiveros-Francisco at ang kaibigan niya sa showbiz na si Sugar Mercado.
Napa-comment din ang Sparkle star na nakasama ni Shuvee sa Bahay Ni Kuya na si Mika Salamanca.
Sulat ni Mika, “Ganda naman Shuvshuv.”
Mayroon nang mahigit 75,000 hearts at likes sa Facebook ang pasilip ni Shuvee sa kaniyang look para sa engrandeng event, habang mayroon naman itong 137,000 heart reactions sa Instagram.
Abangan ang kaniyang full look sa GMA Gala 2025.
Matatandaang isa si Shuvee sa ex-housemates ng GMA at ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Siya ay nakilala sa hit teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Island Ate ng Cebu.