
Umani ng maraming positibong reaksyon ang Sparkle artist na si Shuvee Etrata mula sa mga netizens dahil sa nakakaaliw niyang reaksyon sa bagong houseguest na si Donny Pangilinan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa episode nitong Martes, April 29, hindi napigilan ni Shuvee na kiligin sa kaniyang celebrity crush matapos itong mabigyan ni Kuya ng task na ibigay ang gamit ni Donny at patuloy na tabihan ito.
Habang kausap si Kuya sa loob ng confession room, tila hindi mapakali si Shuvee kay Donny.
Nabanggit ni Shuvee na si Donny ang perfect example ng "TDH o tall, dark, and handsome." Higit sa lahat, mas naging crush niya daw ito dahil sa katalinuhan nito.
Natuwa naman ang mga netizens sa genuine at nakaka-relate na reaksyon ni Shuvee sa kaniyang celebrity crush.
Narito ang ilan sa mga positibong reaksyon ng mga netizens kay Shuvee:
https://aphrodite.gmanetwork.com/imagefiles/600/1746019452_2063344158_6_ent.jpg
Huwag palampasin at patuloy na tumutok sa mga sorpresa at bagong kaganapan sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, tingnan dito ang iba pang mga nakakatuwang kaganapan sa PBB: